It took hundreds of years of painful research and experimentation before alchemists --chemist-philosophers of the Middle Ages-- realized that there was neither a sorcerer's stone nor an elixir of life.
Biyernes, Agosto 5, 2011
The next best thing to the "elixir of life"
PSCO tuloy pa rin ang ayuda sa Child House
Bagaman kasado na ang paglipat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa bagong tanggapan nito sa Lung Center of the Philippines, patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ng ahensya sa mga programang matagal nang sinusuportahan nito.
Ito ang ipinahayag ni General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas sa programang Communication and News Exchange (CNEX) ng Philippine Information Agency (PIA).
Mariing pinabulaanan ni Rojas ang mga alingawngaw na ihihinto na ng nasabing ahensya ang pagbibigay ng tulong nito sa Center for Life Improvement and Health Development House Project o mas kilalang Child House. Sa halip, patuloy pa rin ang kanilang suporta sa nasabing programa sa kabila ng pagkakalayo ng tanggapan ng isa't isa.
Nilinaw ni Rojas na hindi maapektuhan ng paglipat ang tulong na iginagawad ng ahensya sa Child House sa kabila ng pagiging pribadong proyekto nito. Sa kabilang banda, aniya, mas magiging epektibo pa ang pangkalahatang serbisyong pangkalusugan ng PSCO dahil nasa loob ito ng isang pagamutan.
Ang Child House, isang pansamantalang tuluyan ng mga batang may sakit na kanser o ibang lubhang karamdaman, at proyekto ng kilalang hair stylist na si Ricky Reyes, ay nakapaloob sa Quezon Institute (QI) kung saan dating nangungupahan ang PCSO. Dahil sa isang milyong pondong inilagak ng PCSO sa proyekto, nananahan ang Child House sa isa sa mga gusali ng QI nang walang bayad.
Ang pag-alis ng PCSO as QI ay nangangahulugan din ng paglipat ng Child House ng kanilang tanggapan gayundin ng kanilang mga pasyente.
Ipinabatid naman ng ahensya na ipagbigay-alam lamang sa ahensya ang alinmang problema o konsern ng mga pasyente sa Child House at agaran nilang sosolusyunan ang kanilang mga hinaing.
PCSO vows continued support for Child House patients
Despite the imminent transfer of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) to its new office at the Lung Center of the Philippines in Quezon City, the agency gave assurance of its continued support to its long-time charity projects.
This vow of ongoing service to needy health patients was made by PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas in the government program Communication and News Exchange Forum (CNEX) at the Philippine Information Agency.
Rumor has it that the PCSO will stop giving support to the Center for Life Improvement and Health Development House Project, also known as Child House, after the agency decided to transfer its office from the Quezon Institute (QI) to a more structurally-sturdy building.
The move was made by PCSO officials after receiving reports that the QI buildings are already susceptible to damage and collapse.
The Child House, a private project initiated by renowned hairstylist Ricky Reyes, is a temporary shelter for children with cancer and those who are in critical health condition.
The said project has been receiving support from the PCSO, with their office lodged at one of the QI buildings free of charge, courtesy of the PCSO, through its more than P1 million fund.
The fear of discontinued support by the PCSO stemmed from the relocation of the agency's operation which meant relocation of the space-dependent Child House.
To allay the fear of Child House patients, PCSO, through Rojas, made it clear that it would not stop giving support to Child House patients, and whatever concerns they have, they should directly contact the PSCO, through the Executive Office or the Office of Board Directors, and the agency will provide viable solution in the soonest possible time.
Lunes, Agosto 1, 2011
Filipino: Sandata ng Sambayanan, Tulay sa Kaunlaran
Wika ng isang post-kolonyalistang teoriko na si Edward Said: "Kaalaman ay kapangyarihan ("Knowledge is power"). At sa likod ng bawat matagumpay na paglinang ng kaisipan ay ang isang sandatang sinasabing pinakamakapangyarihan sa lahat-- wika.
Mula sa iba't ibang panig ng mundo, ang bawat bansa ay may tinituring na opisyal na wika. Ang Estados Unidos at Inglatera ay may Ingles; ang Hapon ay may Nihonggo; ang Tsina ay may Mandarin. Bawat kalinangan ay hinuhubog ng wika, at ang kalidad ng kaisipan ng mamamayan ay nakasalalay sa kahusayan niya sa wika.
Ang Filipinas ay binubuo ng mahigit pitong libong pulo, at hindi kataka-taka na ang heograpikal na sitwasyon natin ay nagdulot ng pagkakaroon ng iba't ibang wika o lenggwahe; ang bawat lengguwahe ay may tinatawag na varyant o dialekto. Sinasabing mayroong higit 120 na lengguwahe at dialekto ang bansa. Sa kabila ng pagkakaiba-iba sa aspektong heograpikal, kultural, at lingwal, bakit nagkakaunawaan pa rin ang mga Filipino?
Wikang Pambansa ang tinaguriang opisyal na wika ng lahat sa anumang transaksyon: sa paaralan, sa negosyo, sa pamahalaan. Mahaba-haba at masalimuot ang kasaysayan ng pagkakatatag ng ating wikang pambansa. Nabuksan ang kamulatan ng mga mamamayan ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang panlahat nang ipainaloob sa Konstitusyon ng 1935, sa pangunguna ni Pangulong Manuel Quezon, ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa na gagamitin sa lahat ng transaksyon sa bansa.
Taong 1937 din naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na pangunahing layunin ay ang pumili mula sa mga katutubong wika ng gagamiting batayan sa pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas. Sa taong ding iyon, sa pamamagitan ng Executive Order No. 134 s. 1937, nahirang ang Tagalog bilang batayan ng ating wikang pambansa. Ginamit din ang Pilipino bilang wikang panturo sa mga paaralan at sa sirka ring ito nabuo ang Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos na siyang naging opisyal na talasanggunian ng mga mag-aaral sa balarila o gramatika at istruktura ng wikang Pilipino. Ang pamantayan sa pagpili ng wikang pambansa ay nagdulot ng malawakang protesta at diskusyon mula sa mga akademiko hanggang sa mga pulitiko sa iba't ibang panig ng bansa. Lalong naging maugong ang diskusyon nang itinagubilin ng Komite ng Wika sa nakaraang 1973 Kumbensyong Konstitusyunal na bumuo ng wikang pambansa mula sa pinagsanib-sanib na wikang katutubo ng mga Filipino.
Naresolbahan lamang ang isyu sa pambansang wika nang maliwanag na ipinaloob sa 1987 Konstitusyon na Filipino ang pangunahin at opisyal na wika ng bansa. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na:
"... the National language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages."
sa Seksyon 7, nakasaad na:
"For purposes of communication and instruction, the official languages of the Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English. The regional languages are the auxilliary official language in the region and shall serve as auxilliary media of instruction therein."
Kung kaya't mula sa orihinal na tawag na Tagalog ni Pangulong Quezon noong 1939 hanggang sa tawag na Pilipino noong 1959, ang opisyal na wikang pambansa ng Filipinas ay tinawag na Filipino mula 1973 hanggang sa kasalukuyan.
Yumabong ang Filipino sa larangan ng panitikan, agham, at teknolohiya, at kasama ng pagyabong nito ay nagkaroon ng wikang nagbibigkis sa mga mamamayan ng bansa. Samantala, ginagamit pa rin ang ibang rehiyunal na wika sa mga lokal na transaksyon. Ang Ingles naman ay tinaguriang lingua franca o wikang ginagamit sa pakikipagtransaksyon sa mga dayuhan sa bansa.
Patunay ang pagpapahalaga sa ating wikang pambansa nang ilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988 na nagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon. Upang higit na mapaigting ang pagmamahal ng mga Filipino sa tinaguriang wikang pambansa, idineklara ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997. Hanggang sa ngayon, ipinagdiriwang ng buong Filipinas ang Buwan ng Wika sa buwan ng Agosto.
At sa taong ito, sa pangunguna ng Komisyong Wikang Filipino (KWF), ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika na may paksang-diwa na, "Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ikaw at Lakas sa Tuwid na Landas".
Sa buong buwan ng Agosto ay maraming nailapat na gawain ang pamahalaan upang maipagdiwang ang Buwan ng Wika. Ilan sa mga programang naitakda sa buwan na ito ay ang sumusunod:
Agosto 1: Pagpupugay sa Watawat at Pambukas na Palatuntunan
Panauhing Tagapagsalita: Executive Secretary Paquito Ochoa,
Malacañang Grounds, Maynila
12-13 Pambansang Worksyap sa Filipino: Wikang Filipino sa Ika-150
taon ni Rizal, University of Perpetual Help-Rizal,
Angono, Rizal
13 Forum Pangwika
Philippine Information Agency Auditorium
Visayas Ave, Diliman, Lungsod Quezon
14 Araw ng Pagkatatag ng Komisyon sa Wikang Filipino
1610 Gusaling Watson, J. P. Laurel Street, San Miguel, Maynila
19 Gawad Sagisag Quezon 2011
Panauhing Pandangal, Pangulo Benigno Simeon C. Aquino, III
Heroes Hall, Palasyo ng Malacañang, Lungsod Maynila
Pag-aalay ng Bulaklak at Paggunita
Araw ng Kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezon
Quezon Memorial Shrine, Lungsod Quezon
30 Kumperensiyang Pangwika
Bayview Park Hotel, Roxas Boulevard, Lungsod Maynila
31 Pampinid na Palatuntunan
Gawad Dangal ng Wikang Filipino
Gawad Komisyon sa Sanaysay
Bayview Park Hotel, Roxas Boulevard, Lungsod Maynila
Biyernes, Hulyo 29, 2011
International group lauds gov’t disaster management initiatives, calls for continued strenghthening of programs
With the disaster management programs of the government, the quick response of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) in the face of calamities, and the hazard mapping and the various greening projects led by the Department of Environment and Natural Resources (DENR), the Philippines is on the right track in its disaster response and mitigation initiatives.
This was according to Andrew Maskrey during the launch of the Global Assessment Report (GAR) 2011 on Disaster Risk Reduction held on July 26 at the Philippine Senate in Pasay City. However, the Philippines still has to further strengthen its disaster risk reduction programs as more damages are foreseen to happen in the coming years effect and as more infrastructures are built and the population continues to rise at a fast rate, Maskrey added.
Maskrey, coordinating lead author of GAR 2011, cited not only the Philippines in disaster risk but also other countries who have experienced calamities and those who are prone to such. "Even affluent and technologically-advanced Japan suffered greatly in the March tsunami," Maskrey pointed out.
In the report, 21 countries have experienced ten times the volume of destructed facilities over the past years. Public development projects like school buildings, health facilities, roads, water and sanitation systems have experienced major ruination especially in low-income countries.
The report also showed that while the number of natural disasters has not changed over the years, the losses caused by these disasters have increased in such high levels that have affected economies worldwide.
Maskrey explained that in disasters, the "economic aspect" is the more pressing concern as it is "affected by urban systems loss (like electricity, transportation, communication, banking, technology, connectivity) that could lead to the loss of economic assets as well as public infrastructures."
Given the initiatives of the present government, the coordination and synergy of national and local government units in times of incoming and actual disasters, and the creation of a Climate Change Commission, continued efforts are recommended by the GAR and the United Nations International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR) to reduce vulnerability.
Thus, the government is urged to strengthen its commitment in coming up with strategic planning for disaster risk reduction and climate change adaptation, and reform risk governance to achieve the 2015 target of reduced disaster-related losses.
The GAR entitled “Revealing Risk, Redefining Development” is a biennial global assessment of disaster risk reduction and a comprehensive review and analysis of the natural hazards affecting humanity.
The GAR 2011 reviews how governments, including the Philippines and 129 others, are scaling up disaster risk management by adapting development instruments, such as national planning, public investment systems, and social protection mechanisms. The target is to have reduced disaster-caused losses by 2015.
Mga ahensiya ng gobyerno, lusot na sa pre-audit
Inaasaahang mapapabilis ang pagpapatakbo sa mga proyekto ng mga ahensiya ng pamahalaan matapos na mapagdesisyunan ng Commission on Audit (COA) na tanggalin na ang "pre-auditing" sa kanilang sistema.
Ito ang napagdesisyunan ng COA matapos lumitaw sa kanilang pag-aaral na "fiscally responsible" naman ang mga ahensiya ng gobyerno.
Sa pahayag ni COA Chairperson Ma. Gracia Pulido-Tan sa Communication and News Exhange (CNEX) Program ng Philippine Information Agency (PIA), sa mahigit kalahating milyong transaksiyon na dumaan sa kanilang ahensiya para sa pre-auditing simula 2009, 87 porsyento sa mga ito ang agarang naaprubahan ng COA. Ang 12 porsyento ay nangailangan lamang ng ilan pang dokumento upang maaprubahan ng nasabing ahensya. Isang porsyento lamang sa mga transaksiyon ang hindi naaprubahan.
Ayon kay Pulito-Tan, sa mahigit 500 bilyong pisong kabuuan ng transaksyong kanilang sinuri noong 2009, wala pang isang porsyento ang halaga ng tinanggihan nito.
Nangangahulugan ito, aniya, na may kakayahan naman ang mga ahensiya sa pamamahala ng kanilang gastusin at ibang bayarin, at hindi dapat maging hadlang ang pre-auditing sa agarang pagproseso ng mga proyekto ng iba't ibang sangay ng pamahalaan.
Inamin naman ni Pulido-Tan na magiging positibo ang kahihinatnan ng pagtanggal sa nasabing proseso dahil na rin mababawasan ang mga nabibinbing proyekto ng gobyerno dulot ng antalang dulot ng paghihintay sa resulta ng pre-auditing ng COA.
Samantala, pinaalalahanan ni Pulido-Tan na dapat magkaroon ng internal auditor ang bawat sangay ng pamahalaan at panatilihing sumunod sa nakatakdang protokol sa pag-a-awdit.
Adaptasyon, pinakamabisang tugon sa climate change
Kung mayroong mabisang panlaban sa sakuna dulot ng pagbabago ng klima, ito ay adaptasyon.
Ito ang binigyang-diin ni Usec. Graciano Yumul ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa panayam sa kanya ukol sa mga paghahandang dapat gawin ng taumbayan sa panahon ng tag-ulan.
Sa ginanap na Broadcasters' Forum kaninang umaga sa Lungsod ng Quezon, ipinaliwanag ni Yumul kung bakit hindi niya nakikitang praktikal na pang-iwas sakuna ang pagpapalit ng iskedyul ng pasukan sa mga paaralan.
Makailang ulit na rin na may nagpanukala na ilipat ang simula ng klase sa buwan ng Setyembre upang makaiwas sa malupit na hampas ng panahon sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto kung saan madalas ang pag-ulan.
"Saanman sa daigdig ay nag-iiba na ang klima. Ang Nepal, Saudi Arabia, Pakistan, etc. ay mga bansang hindi naman inuulan; ngunit ngayon, pati sila'y nakakaranas na ng pagbabago ng klima," saad ni Yumul.
Ibinatid ni Yumul na bagaman magandang suhestiyon ang paglipat ng Pasukan sa Setyembre-- na siyang sinusunod sa ibang bansa-- ang Kamaynilaan lang ang makikinabang dito sapagkat mayroong kanya-kanyang klase ng klima sa bansa at ang nararanasan sa Luzon ay maaaring hindi naman katulad ng nararanasan sa Visayas at Mindanao.
Samantala, ipinaliwanag ni Yumul ang "climate change" bilang isang nagaganap na penomena sa mundo. Sa kabila ng mga nakasanayang gawi at pamamaraan sa pagharap sa kalamidad, pinaka-epektibong panligtas ng buhay ay ang tamang pagbabagay o "adaptation" sa mga pagbabago sa klima.
"Mahalaga ang pagtanggap ng tao sa mga anunsyo ng mga bagyo at ibang kalamidad na parating." Kailangan lang maging alerto, mapagmasid, at alisto ng mga Filipino upang makalagpas sa banta ng sakuna," dagdag pa niya.
Sa kabila ng pahayag nito, ipinaliwanag din ni Yumul ang proseso ng pag-anunsiyo at pagpapalawig ng bantang bagyo na isinasagawa ng PAGASA at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Mula sa forecast ng PAGASA ay pinaparating ang banta ng bagyo sa Office of Civil Defense (OCD) na siya namang ahensiyang nagbabalita sa mga lokal na opisyal kasama ang baraggay ng parating na bagyo.
Nagbigay naman ng suhestiyon ang ilang mamamahayag sa ginanap na Forum na dapat i-"Filipinize" ang pag-uulat ng bagyo as publiko, at magtatag ng mga salitang angkop sa kanyang tinutukoy dahil na rin sa kakulangan ng pantay na termino sa mga terminong Ingles tulad ng "tropical depression", "storm", "typhoon", na pawang ang "bagyo" ang katumbas sa wikang Filipino.
Idinagdag din sa mga panukala ang pagsama sa "rainfall intensity" o ang dami ng ulan sa ulat ng PAGASA dahil nakasalalay dito ang paghahandang gagawin ng mga bayang mababa at madaling bahain.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)