Ito ang ipinahayag ni General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas sa programang Communication and News Exchange (CNEX) ng Philippine Information Agency (PIA).
Mariing pinabulaanan ni Rojas ang mga alingawngaw na ihihinto na ng nasabing ahensya ang pagbibigay ng tulong nito sa Center for Life Improvement and Health Development House Project o mas kilalang Child House. Sa halip, patuloy pa rin ang kanilang suporta sa nasabing programa sa kabila ng pagkakalayo ng tanggapan ng isa't isa.
Nilinaw ni Rojas na hindi maapektuhan ng paglipat ang tulong na iginagawad ng ahensya sa Child House sa kabila ng pagiging pribadong proyekto nito. Sa kabilang banda, aniya, mas magiging epektibo pa ang pangkalahatang serbisyong pangkalusugan ng PSCO dahil nasa loob ito ng isang pagamutan.
Ang Child House, isang pansamantalang tuluyan ng mga batang may sakit na kanser o ibang lubhang karamdaman, at proyekto ng kilalang hair stylist na si Ricky Reyes, ay nakapaloob sa Quezon Institute (QI) kung saan dating nangungupahan ang PCSO. Dahil sa isang milyong pondong inilagak ng PCSO sa proyekto, nananahan ang Child House sa isa sa mga gusali ng QI nang walang bayad.
Ang pag-alis ng PCSO as QI ay nangangahulugan din ng paglipat ng Child House ng kanilang tanggapan gayundin ng kanilang mga pasyente.
Ipinabatid naman ng ahensya na ipagbigay-alam lamang sa ahensya ang alinmang problema o konsern ng mga pasyente sa Child House at agaran nilang sosolusyunan ang kanilang mga hinaing.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento