Huwebes, Setyembre 1, 2011

PAGASA expects nine more storms until the close of 2011


At least six more tropical storms are expected to affect the country until the last month of the year, according to Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Undersecretary Graciano Yumul.

In an interview during the Broadcasters’ Forum held at the Hotel Rembrandt in Quezon City and organized by the Liga ng mga Brodkaster sa Pilipinas, Yumul said that the entry of the so-called “ber” months is also the foreboding of strong typhoons.

He said that the September-October transit is an actual shift from the southwest monsoon to the northeast monsoon.

The southwest monsoon, also known in local terminology as “hanging habagat”, takes place during the summer months and brings with it warm winds in the country.

On the other hand, the northeast monsoon, more popularly known in its Filipino term “hanging amihan”, draws “cold, dry air which comes from Russia and Japan,” Yumul explained.

He further explained that the “ber” months are when the high pressure reach falls westward which brings about lower temperature.

The PAGASA warns that the country may experience three to four typhoons in September alone, around two each for October and November, and one in December.

Central Luzon and the National Capital Region are most likely to be hit by the coming typhoons, according to Yumul.

Yumul, however, clarified that all the reports by the PAGASA are based on available data which “could change”. He is reminding everyone to constantly check for updates from their office as movement and direction of a typhoon can change in a few hours. 

Mahigit sa anim na bagyo, inaasahan bago mag-2012—PAGASA


Hindi bababa sa anim na bagyo ang inaasahang dumating sa bansa sa pagtatapos ng 2011, ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Undersecretary Graciano Yumul.

Sa isang panayam kaninang umaga sa Broadcasters’ Forum na ginanap sa Hotel Rembrandt sa Lungsod ng Quezon, sinabi ni Yumul na inaasahan ang malalakas na bagyo sa pagpasok ng mga tinaguriang “-ber months”.

Ang mga buwan ng Setyembre ay Oktubre ay ang pagpapalit ng hanging habagat sa hanging amihan.

Paliwanag ni Yumul, ang hanging habagat na karaniwang dumadating tuwing panahon ng tag-init (“summer”) ang nagdadala ng maalinsangang hangin sa bansa.

Ang hanging amihan naman, sa kabilang banda, any nagdudulot ng malamig na hangin na madalas ay higit na nararamdaman sa buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero. Nanggagaling ang hanging amihan sa mga Bansang Russia at Hapon.

Nagbabala naman ang PAGASA na mayroong siyam na bagyo ang inaasahang tumama sa bansa hanggang sa katapusan ng taon: apat dito ay inaasahan sa Setyembre, isa hanggang dalawa sa mga buwan ng Oktubre at Nobyembre, at isa sa Desyembre.

Malaki ang posibilidad na sa Gitnang Luzon at Kamaynilaan tumama ang mga bagyo, gaya ng mga nagdaang bagyo ng nakaraan mga taon, dagdag ni Yumul.

Ipinagbigay-alam din ni Yumul na nakasalalay sa kanilang mga datos ang kanilang ulat at ang mga ito ay maaring magbago depende sa galaw ng bagyo kaya’t dapat ay laging nakatutok ang mga mamamayan sa bagong ulat ng PAGASA.